Tuesday, November 29, 2005

Joke : Ganito magbigay ng masamang balita



Ganito magbigay ng masamang balita*
SAPOL Ni Jarius Bondoc
Ang Pilipino STAR Ngayon 11/25/2005

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, yung katiwala niyo sa
bahay-bakasyunan niyo."

"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano at napatawag ka? May problema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga
niyong
parrot."

"Yung parrot kong si Pikoy, patay? Yung nanalo sa bird show?

"Opo, Master Carlos, yun na nga po."

"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong iyon.
Hay,
buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng
bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"

"E, yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat
sila
sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"

"Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman yang pinagsasasabi mo?"

"Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po yung isang
nakasinding
kandila, tapos nagliyab yung kurtina at mabilis na kumalat ang
apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a.
Para
saan yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?

"Sa nanay nyo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nung isang gabi,
walang
kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko.

No comments: